In this world where controversies become instant “trendings” personalities also become instant targets for criticisms and curses. Not-so-long ago the focus was with Mideo Cruz and his Politeismo art work. At present, however, the focus of public outrage is at an ADMU student, James Soriano, because of his seemingly “unmindful” article that downgraded the Filipino language into “the language of the streets” and worse, as “not the language of the learned.”
I won’t join the bandwagon of mudsling and rants (although I admit that the initial reaction I had was hatred as well). Instead, I will try to present my analysis on the possible causes and effects of such an idea or philosophy (if it may be labelled as such) to the general public.
Subalit upang mas paigtingin ang ating pag-aaral sa nasabing artikulo, aking ilalahad ang aking mga naisip at napagtanto sa wikang kanyang pinapatungkulan.
1. Ang Wika bilang Maskara at Sandata
Napatunayan na ng mga pag-aaral sa sosylohiya, antropolohiya, kasaysayan, at maging sikolohiya, na sa kahit anong kultura, komunidad, o bansa, ang wika ay isang epektibo at makapangyarihang sandata. Ito’y nagsisilbing marka ng mga naghaharing-uri. Subalit ito rin ang s’yang naging sandata ng mga api sa kanilang paglulunsad ng rebolusyon laban sa dikta ng mga manunupil. Sa kabilang banda, ang wika rin ay maskara sa ilang pagkakataon. Magandang halimbawa dito si Doña Victorina na nakilala natin sa Noli bilang nagpapangap na Mestisang Kastila sa pamamagitan ng paglalagay ng maraming kolorete sa muka at pagpupumilit na magsalita ng Kastila (na s’yang wika ng kapangyarihan noon).
2. Ang Wika at ang mga naghaharing-uri
Ang wika rin, gaya ng nabanggit sa itaas, ay isang simbolo ng kapangyarihan at pamumuno. Sa pag-aaral ng Bilingualism, may iba’t-ibang uri ng Bilingual Education programs na ipinatupad sa iba’t-ibang panig ng mundo. Isa na rito ang nakilala bilang “Segregationist” kung saan wika ng dominanteng kultura o grupo ang siyang ginagamit bilang wika ng pag-aaral. Isang magandang halimbawa dito ang pag-aaral na nailathala ni Hertz-Lazarowits et.al. (2008) kung saan kanilang sinuri ang ethnic segregation sa Israel. Lalayo pa ba tayo? Hindi ba’t dito mismo sa atin, ipinagkait ng mga Kastila ang kanilang wika sa mga indios dahil hindi nila nais na matuto ang mga ordinaryong mamamayan dahil ito nga’y magbubunsod ng pag-aaklas sa kanilang pamahalaan.
3. Ang Wika at ang Responsableng Magulang
Noong ako ay isang undergraduate sa PNU, nabanggit ni Dr. Nilda Sunga na h’wag daw namin piliting turuan ang aming mga magiging anak na maging L1 o unang wika ang Ingles (lalo na kung dito lang din naman kami titira at hindi mangingibang bansa) dahil baka raw mahirapang makipaglaro sa ibang bata ang aming mga magiging anak. Noong una, hindi ko s’ya maintindihan. Tinuturuan nila kaming maging guro ng wikang Ingles, pero hindi niya nais na turuan namin ang aming mga anak na mag-ingles? Naintindihan ko na lamang ang kanyang sinabi ng aking mabasa ang mga lathalain ni Dr. Jim Cummins (particular ang kanyang Iceberg Analogy at Common Underlying Language Proficiency hypothesis) at noong ako ay makadalo sa ilang kumperensya na kung saan inilahad ni Dianne Dekker ang resulta ng kanyang pag-aaral sa Lubuagan. Sinusulong ni Dekker ang Mother-Tongue Based Multilingual Education Program (MTB-MLE). Napagtanto kong ang isa sa pinakamahalagang salik sa pagkatutuo ng KAHIT ANO’NG wika ay ang pagpapaunlad muna sa kaisipan ng isang bata. Samakatuwid, upang mapagyaman at mapayabong ang ikalawang wika at iba pang wika, dapat munang mapaunlad ang unang wika ng isang bata. Ang unang wika ay HINDI Tagalog, kundi kung anuman ang wikang sinasalita ng mga magulang niya (Ilokano, Bisaya, Chavacano, etc). Subalit dahil sa kolonyal na mentalidad ng karamihan sa atin (at dahil na rin nga sa kulturang nabuo ng mga Kano sa atin) bawat magulang ay nag-aasam na sana ang kanilang anak ay maging mahusay sa paggamit ng Ingles. Delikado ito, dahil gaya ng sabi ni Dr. Martin (2008) “The first set of myths has to do with English in the Philippines. There is a prevailing belief that if you don’t know English, you simply don’t know!” Sa artikulong nailathala sa Philippine Daily Inquirer, giit ni Dr. Martin na ang isa sa malaking kultura (at problema) na ating nabuo. Akala natin, porket hindi marunong mag-ingles ang isang tao, ay bobo na s’ya.
Hindi ko kilala ang pamilya ni James Soriano, pero sa tingin ko, ito ang pagiisip na mayroon ang kanyang magulang (o pwede rin namang may lahing Kano sila) . At nakakaawang bata si James dahil hindi s’ya nabigyan ng pagkakataon na aralin, lasapin, at mahalin ang wikang sinasalita ng mga taong nakapaligid sa kanya. Dahil dito, magiging mahirap para sa kanya ang intindihin at matutunan ang kulturang nakapaloob sa isipan, damdamin, at kaluluwa ng mga Pilipinong “naglilingkod” sa kanya.
S’ya nga pala, propesor sa Ateneo de Manila si Dr. Martin. Sana ay maging guro s’ya ni G. Soriano upang matutunan n’ya kung ano mang ang sinusulat ko dito.
4. Ang Wika at Dunong
Gaya ng nabanggit sa itaas, sa aking pagkakaalam, wala pang pag-aaral ang nagpapatunay na ang wika ay may direktang relasyon o epekto sa utak at katalinuhan ng isang tao. Maaaring maraming matatalinong tao ang magaling sa Ingles, subalit hindi ibig sabihin nito na kapag magaling kang mag-Ingles ay matalino ka. Sa Logic 101, natutunan nating ito’y isang malaking Fallacy (pwedeng False Dilemma o False Cause). Ergo, hindi dahil magaling ang Ingles ni James Soriano sa kanyang sinulat ay matalino s’ya.
This is the reason why I think we should stop bullying or cursing Mr. Soriano, he’s not that intelligent and his write-up is merely an opinion from a mind-set downplayed by a language. Moreover, we have to be careful with playing “ultra-nationalistic” because before we know it, we might be starting to think like him (the other way around) i.e. that English is the language of the elitist, the bad people, etc.
Instead of wasting time ranting and raging in the internet, causing more flame wars, let’s pause for a while and reflect. Think (in whatever language you are comfortable thinking) and realize what needs to be realized…
…like REAL LEARNED INDIVIDUALS…
References:
Baker, C. (2006). Foundations of Bilingual Education and Bilingualism. New York : Multilingual Matters Ltd.
Hertz-Lazarowitz, R. et.al. (2008). From ethnic segregation to bilingual education: What can bilingual education do for the future of the Israeli Society?. Retrieved from: http://www.jceps.com/PDFs/6-2-08.pdf
Martin, I.P. (3 March 2008). Myths about languages in the Philippines . The Philippine Daily Inquirer