“Baka naman pwede mong ipasok si Bobot sa pinagtatrabahuhan mo ngayon…”
“Wala ka pare, nakakapagtampo ka naman, ni hindi mo ako sinabihang d’yan ka pala nagtatrabaho sa kumpanyang yan…”
Ilan lamang ito sa mga narinig ko ng malaman ng mga kaibigan at kamag-anak ko na nagtatrabaho na ako, kulang-kulang 2 buwan pagkatapos ng graduation ko sa kolehiyo.
“Swerte naman ng anak mo. Samantalang etong si Junior ko, walang ginawa kundi magpalaki ng bayag maghapon.”
“Anu bang gatas ang pinapainom mo sa mga anak mo? Aba’y tlagang kesuswerte ano?”
Ito naman yung madalas kong marinig sa mga kapitbahay namen na madalas magpaluto ng Pancit Canton at uminom ng Pop Cola sa harap ng munti naming tindahan.
Madalas kaming hangaan ni ate ng mga kapitbahay namen. Hindi naman kame katalinuhan gaya nina Kuya Obey at Kuya Eric, na bukod sa mga honor graduates ng school nila, e inilalaban pa sa mga pakontes. Average na estudyante lang kame ni ate. Si ate, simula grade 1 hanggang 4th year high school nasa section one. Pero di naman sya kasali sa listahan ng pinakamahuhusay. Keri lang.
Ako naman, hanggan grade 6 lang sa section one. Pagtungtong ng 1st year high school, nanlumo ako kase nawala ako sa section one. Kapiling ko na ang mga kumag at basagulero sa eskwelahan namen. Pinangako kong babangon ako’t babalik sa section one. E kaso yun din ata ang motto ng mga brainy section one. Ayun, grumaduate ako ng high school na nasa section 6 (pangalawa sa huli, 7 sections kame noon e)
Balik tayo sa unang dalawang dialogue na nai-chika ko sa itaas. Dito samen sa Kabite, palasak na script na yan. Marami sa mga empleyado sa munisipyo nakaupo don dahil sa mga kakilala. ‘Yung ilang mga factory workers naman e naipasok ng mga kung sinong padrino nila. Si Erpat nga kala mo kung sinong political figure, aba’y ilang kapitbahay at kamag-anak din naman ang naipasok ng kumag sa isang factory sa Gateway (sa Manggahan). Dangan kasi’y kakilala nya ung “VP” daw doon. Kung ano man ang ibig sabihin ng “VP” e di ko na tinanong.
So ano ngayon? Ang siste e simple. Ang kultura ay malalim. Dito sa Kabite at sa iba pang sulok ng Pilipinas, usong-uso ang pagpapadrino.
Yung professor sa English I, di naman marunong mag-Ingles, pero nagtuturo.
Yung secretary ni Mayor, ni hindi marunong sumulat ng cover letter, pero tumatanggap ng buwanang sahod mula sa buwis ng bayan.
Yung isa kong estudyante, di makasagot ng tama at nuknukan ng tanga, pero buhay pa naman. Ewan ko kung bakit.
Kaya hindi na ko nagtataka kung baket me nars, doktor, abogado at kung sinu-sino pang pulpol dito at maging sa ilang panig ng mundo. E baket kamo? Nagsimula ang lahat sa pagpapadrino.
Kung baket ba naman kase di gamitin ang sariling talento? Ang sariling talino?
“E sorry ha? Di kase ako kasing talino mo noh. Tulog ako nung nagpaulan ang diyos ng talento.”
E kung ganto din lang naman ang takbo ng isip mo, e ba’t ka pa kaya nabuhay sa mundo?
Nakwento ko minsan ke Kay, “Dapat yung mga wala namang ginagawa dito sa Maynila e ipatapon sa probinsya nila at magbungkal ng lupa don. Kesa tumunganga sila dito. Puro pagkakalat lang naman alam nila; tatae kung saan saan; magkakang-kangan sa kariton; tapos dadami ng dadami. Pucha, parang mga ipis!”
Sa hinaba-haba ng sinabi ko at sa dinami-dami ng mga segway na sinalpak ko sa sulating ito, e simple lang naman ang mensahe ko:
Dumiskarte ka ng sarili mo; kung di mo kaya, benta mo nalang baga mo, o kaya yung pige mo.
No comments:
Post a Comment