Tuesday, July 29, 2008

BOBO

Sabi nila, wala daw taong bobo.

Well, akala mo lang wala yon. Pero MERON! MERON! MERON!

At naglipana sila sa paligid.

Yang katabi mo sa Comp Shop, malamang bobo yan; yung nakatabi mo knina sa jeep; malamang bobo yon, yung mismong syota mo, malamang bobo yan (patulan ka ba naman).

Pero kidding aside, marami naman kase tlagang BOBO sa paligid diba? Sino ba kaseng Affective-Humanistic ang nagsabing walang bobo? Sa palagay ko nasabi n’ya lang yon para ibsan ang pamamanglaw ng isang batang sabaw (o san ka pa? rhyming, pedeng pantula)

Maraming uri ng bobo. Technically, bobo ka pag paulit-ulit na o kaya super obvious na, e di mo pa rin magets. (Gets mo? Buti naman, kase kung hindi tigilan mo na ang pagbabasa, dahil malamang ikaw na ang tinutukoy ko)

Bilang halimbawa, ang pinakamalaking maliit na bobo sa lahat e sino pa? Edi ung mga presidente—specifically yung presidente ng isang “malaki at divergent” na kumpanya na pinagtatrabahuhan ko dati; clue? Well, uhm, di sila related ni Butch, ung taga Startalk na bubulol-bulol magreport (tsismis na nga lang sasabihin di pa magawa ng ayos); at MORE specifically, yung presidenteng nagpupumilit umupo sa MalacaƱang.

Baket kamo? Maraming dahilan e. Isa na dito yung pagbubulag-bulagan sa reyalidad. Nasa harapan na, tinatanggi pa, ika nga ng ermat ko “Nabangga na, lumulusot pa.” Yun bang tipong, nagsipagresign na ang mga tao sa kumpanya mo, e di mo pa rin narerealize na palpak ang management system (kung meron man) at leadership styles mo—keber kung nag 7-habits ka pa. Yun bang tipong tirik na ang mata ng mga tao sa paligid mo, sasabihin mo pa ring pumuprugreso ang ekonomiya ng bansa.

Isa pang sintomas ng pagiging bobo ang ‘di pagtanggap sa mga kapalpakang nagagawa. Bobo ka kung lagi mong iisipin na may maganda sa ginawa mo; dahil ang katotohanan may pangit sa bawat desisyon natin (syempre, bobo-slash-emo ka naman kung lagi mong iisipin na pangit lagi ang ginagawa mo—tapos maglalaslas ka. Tawag sayo TANGnEMO: Tanga + Emo). Yun bang tipong iniisip mong ang desisyon mo ay “profitable” pero di mo naman inisip na patay na yung mga taong nagtrabaho para kumita ka. Profit lang ba palagi? In short, bobo ka kung di ka marunong magtimpla, kung puro ka trabaho at wala kang panahon para tumambay, tumunganga, at humilata.

Pero eto ang magandang balita, lahat naman ng tao ay may pagkakataong makaalis sa estado ng kabobohan na kinalalagyan nya.

Ang unang paraan ay pagtanggap na bobo ka. Mas madaling maalis ang kabobohan kung tatanggapin sa sarili na, “Shet. Bobo ako. Sorry sa inyong lahat, at sorry saken”

Pangalawa, kaylangang hubdin ang kabobohan sa pamamagitan ng malalim na pag-iisip sa mga bagay-bagay. Kung hindi mo kaya, magtanong-tanong at humingi ng tulong. Pag nagawa mo yan, nasa unang hakbang ka na sa katalinuhan. Dahil gaya ng nabanggit kanina, bobo ka kung iisipin mong lagi kang tama.

Pangatlo at panghuli, gawing palagian ang pagninilay-nilay at pagtatanong-tanong. Sa ganitong paraan, maiibsan ang kabobohang nakagisnan dahil namumulat ka na sa kaisipan ng sangkatauhan.

So ano? Bobo ka ba? Iligtas ang sarili sa epidemya ng kabobohan.

No comments: