Sa t’wing mababalitaan ko na nasa ibang bansa pala si ganito at si ganoon, madalas kong matanong ang sarili ko: “Ako kaya? Ba’t nga kaya ako andito, at wala doon?”
Makailang beses ko na naisulat ito, at t’wing sumusulat ako wala naman talaga akong nakukuhang kongkretong sagot.
Sa totoo lang, masaya naman kase ako sa “career” ko sa PNU. Masaya magturo sa mga kapwa mo iskolar ng bayan. Yun nga lang, mas dumadami na ang mga burgis at mga mabababaw mag-isip na estudyante. Isa kase sa rason ko sa pagtuturo sa PNU e ang patuloy na matuto mula sa sariwang ideya ng mga mas bata sa’kin. Kaso, mas madalas akong maimbyerna ngayon sa katamaran at kababawan ng karamihan ng estudyante. Ewan ko ba kung sang planeta galing yung mga ganon (o baka singaw lang sa lupa). Busy daw. Stressed daw. Weh? Di naman halata, nakakapagmake-up pa nga e, nakakaporma pa, at higit sa lahat, nakakapagupdate pa ng Facebook.
Madalas, naitatanong ko sa sarili, worthwhile pa nga ba mag-stay? May pinatutunguhan pa ba ito? Aral ako ng aral, prepare ako ng prepare, tanong ako ng tanong (na sa huli, ako din naman ang sumasagot).
Minsan napabuntong hininga na lang si Mam Marla nung nagkukwentuhan kame sa department, nag-iba na nga talaga ang prayoridad ng mga estudyante. Ayokong tanggapin sa sarili kong tumatanda na ako. Kaya hangga’t kaya ko, pilit kong ikinokonekta ang sarili ko sa makabagong lifestyle ng mga bata ngayon. Pero hindi ko talaga magetlaks kung ano’ng dahilan ng pagkapariwara ng karamihan; kung bakit nakakagawa sila ng ilang bagay, pero ang pagbabasa at pag-iisip e nakakalimutan nila; kung bakit nagagawa nilang magpakyut at magpaka-alila sa mga syota nila, pero ang pag-galang at pagsunod sa mga nakatatanda at guro e nawaglit na sa isip nila.
(At eto matindi d’yan, pag naghirap yan later on in life, maninisi yan ng iba, ng gubyerno, ng mundo, ng D’yos, samantalang yung katamaran n’ya lang naman yung rason.)
Madalas, naitatanong ko, kung ganto na ang tipo ng mga kabataan, may patutunguhan pa nga kaya ang bansa? Kase kung wala, e baket pa nga ba ako andito? Ano nga bang pinaglalaban ko? Sa taas ng pangarap ko, habang buhay lang akong titingala kung magtitigil ako dito.
Sa t’wing titignan ko ang mga pictures na ina-upload ko sa Facebook, tinitignan kong maigi ang aking sarili. Hindi dahil sa gusto kong makita kung gwapo ba ako o mukang tanga sa picture ko (hindi na rin naman kase yun isyu sa’ken), kundi gusto kong alamin ang lalim ng aking mga ngiti. Muka naman akong masaya. Pero masaya nga ba ako? Ba ewan. Siguro. Marahil. Maybe. Probably. Perhaps. Mmm…
Isa na namang blog na walang pinatunguhan.
No comments:
Post a Comment