Sunday, October 25, 2009

Munting Eksperimento sa Pagkatuto

NULL HYPOTHESIS: Hindi kailangang ulit-ulitin ang pagtuturo ng pagbibilang sa batang bumibili sa tindahan upang matuto s’yang magbilang

METHODOLOGY: Ituro ang pagbilang sa pamamagitan ng pagbebenta.

Bata: Pabileh!!!

Matt: Anu yon?!

Bata: (Tinuro yung Hanny)

Matt: Eto? Ilan?

Bata: Madame (Sabay lapag ng mamiso n’ya)

Matt: O, ilan yan?

Bata: (ngumiti…bungi pala)

Matt: O, bilangin natin ha? One…

Bata: One…

Matt: Two…

Bata: Two…

Matt: Three…

Bata: Three…

Matt: Four…

Bata: Four…

Matt: Five!

Bata: Five!

Matt: Ayan! Galing mu pala eh. Oh, ilang Hanny ang bibilhin mo?

Bata: Madame!

ANALYSIS: REJECT NULL HYPOTHESIS! T_T

No comments: