Monday, January 26, 2009

SERYENG EMO: Tomo 1, Blg. 3: Mga Praktikal na Tips sa Pagpili ng Trabaho

Sa t’wing magtatanong ang sangkatauhan kung san ako nagtuturo, dalawa palagi ang sagot ko—syempre, dalawa naman tlaga ang unibersidad na pinaglalagian ko bilang “gurong kaladkarin” (sarili kong translation sa part-time teacher; wala kaseng permanenteng eskwelahan e). Pero aaminin kong pag may tono ng kayabangan ang nagtatanong saken (tipong ineestima ako dahil muka akong adik) lantaran kong sinasabing sa La Salle ako nagtuturo,



“Sa Benilde?”



Ang madalas na follow-up question.



“Ay hindi, sa Main.”



Sabay ngiti na may pagpapakumbaba…pero deep inside, “Kala mo ikaw lang mayabang sa mundo a…”



Pero di yan ang paksa ko.



Napapadalas na din kase ang tanong saken kung baket ako nananatili sa PNU, gayong ilang buwan akong ‘di pinasweldo at buwan-buwang delayed ang dating ng sahod. Lagi kong rason na binabalik ko lang sa PNU ang tinulong nito saken bilang iskolar ng bayan. Lagi kong dinadahilan na gusto ko lang makatulong sa mga gaya ko na may simpleng pangarap: ang makatapos sa pag-aaral, makapagturo, at makatulong sa pamilya.



Pero di ko ikakaila na madalas kong daing ang krisis pampinansyal. Magkano lang naman ang sweldo ng part time sa PNU? Delayed pa. Tuloy tanong ko na din sa sarili, “Bakit nga ba?”



Lately, nahanap ko na ata ang sagot; isang simpleng katotohanan…PNU is where I belong (Naks! Parang tagline ng GMA-7 nung 90’s)



Pero totoo! Sa constant chikahan ko sa’king mga profs (na ngayon ay kapwa ko na guro) unti-unti kong napapagtanto na hindi ako nag-iisa sa PNU. Lahat pala kame ay ganon pa rin. Hikahos. Pero masaya. Yung inaakala mong prof mo na maraming pera? Wala rin pala. Baon din sa utang, gaya ko. (Syempre di ko na ikukuwento kung sino)



Naisip ko, siguro ito ang dahilan kung bakit kahit mababait naman ang mga teacher sa La Salle, di ako makakonek. Pag nagkwentuhan kase sila di ko nararamdaman na nagutom sila; na naglakad sila dahil walang pamasahe; na nagpa-photocopy ng paisa-isang chapter dahil walang pambili ng libro. (N.B. Di ko rin naman sinasabing payabangan ang moda nila. OK din naman ang mga joke time nila…pero yun nga, baka dahil puro joke time kame sa La Salle at walang madramang tagpo at masinsinang usap.)



Hindi naman ako career expert. Pero siguro ang tinutumbok ko ay ang katotohanan na kung saang trabaho ka man nakakonekta ngayon, pinakamahalaga ang saya na nararamdaman mo. Masasabi ko sa ngayon na walang katumbas na salapi ang mga halakhak na matatamasa mo kasama ang mga tunay na tao: ang mga estudyanteng pareho kong butas ang bulsa; ang mga kapwa ko guro na may sari-sariling bagyong binubuno.



Noon, regular ang pasok ng sahod ko sa ATM; may bigas quarterly; may bonus (kuno) every 3 months; at kung ano pang anik-anik. Pero di ko na-feel ang “fulfillment” at “growth.” (Pero hindi ko tinotolerate ang kabulukan ng sistema sa mga public schools, PNU included)


Maraming salik ang pagpili ng trabaho. Pag-isipang mabuti…at pinakamahalaga sa lahat, ipagdasal sa Diyos. After all, di ka rin naman nakatapos dahil lang sa sariling kakayanan…

Thursday, January 8, 2009

SERYENG EMOLASLAS: Tomo 1, Blg. 2: Mga Praktikal na Tips sa Panliligaw

O teka, reaksyunaryo ka naman masyado. Syempre alam ko namang di ako expert sa larangan ng panliligaw. Ang mga babasahin mo sa ibaba ay mga tugon lang ng mga girl-friends ko na informal kong sinarbey…

Nung hayskul ako, mga request na “Pre, tulungan mo naman ako manligaw oh…” ang usual na maririnig mo sa barkadahan. Syempre yung mga dabarkads kong may jowa nung mga panahon na yon, maraming shineshare (at top-the-lolo story ang labanan, kung Hershey’s yung binigay nung nauna, Cadbury naman ung iyayabang nung pangalawa, syempre yung pangatlo Ferero ang iyayabang; samantalang ako Goya lang)

Ang mga usual approach nung kapanuhanan namen e medyo discreet pa. May texting na din naman noon, pero pang rich and da famous lang yun. 15kyaw pa kase ang 8210 noon, at 5110 ang humahataw sa takilya.

Number one pa nun yung PA-KYUT GAMIT ANG GITARA approach; although medyo bumenta din noon kung dancer ka (naalala ko tuloy ang Palara Boys, Dance group nina MV Welsh Jay, Bryan Romero, at Geoff Valencia) Ang masaklap neto, isa ako sa mga gitarista sa PCU, pero kahit kelan, di bumenta sa chiks ang todong pakyut habang kinakalabit ko ang gitara kong nabili ko dahil sa pagbebenta ng turon at lumpiang toge. Tanggap ko naman na palagi akong basted, bukbukin kase ang muka ko, payatot, at higit sa lahat, wala akong pera (hanggang ngayon naman..hehe)

Sa di malamang kadahilanan, nauso din noon yung mga LOVE LETTERS na nakasulat sa tissue paper. Grabe. Sa sobrang panget ko magsulat, as usual, olats ako sa approach na ito. Matinde mga barkada ko non. May subject kase kaming Bible sa PCU. Syempre, kadalasan walang dala ang mga studyante non (e kahit nga yung ibang nagsisimba, di nagdadala ng Bibliya e, yun pa kayang hayskul student) So ang siste, hihiram ng Bible sa kras (o kaya Physics textbook) tapos pag sinole, nakaipit na ang tissue. Ang di ko alam, kung binasa ng kras yon, o pinang-iwang lang.

Pero di yang mga nasa itaas ang pinupunto ko, eto talaga. Ayon sa aking survey, heto ang mga katangian na gusto ng mga babae sa lalake (inuulit ko, informal ang sarbey na ito, so statistically, not valid and not reliable)

1. May sense kausap
2. May sense of humor
3. Sensitive

Kung napansin mo, lahat ng tatlong yan ay may “sense” Ibig bang sabihin nito ay “common sense” lang ang kailangan sa panliligaw? Marahil. Kaso sabi ni Ralph Waldo Emerson, “Common sense is not common at all.”

Kung manliligaw ka dude, siguraduhin mong kaya mong magsustain ng conversation. Karamihan kase ng mga girls, mahilig makipagkwentuhan (so related sa unang serye, kelangan medyo may variety ang mga alam mo. Di lang about basketball, UFC, o kaya Dota. Mahalaga din na alam mong hindi club sa Mindanao Ave. ang Twilight na kinababaliwan ng mga kabababihan ngayon.

Pangalawa (although mahirap to, kase pag pilit korni ang dating) dapat kaya mo s’yang patawanin. Sabi nga ng mga napagtanungan ko, kung di daw sila mapapatawa ng guy, edi parang ang miserable naman daw ng magiging dates nila.

Pangatlo, dapat daw e sensitive ka (di naman to the point na iyakin ka na) yun lang alam mong makiramdam sa gusto ng girl. (dito super guilty ako, bubugbugin ako ni Kay pag nabasa nya to) Kunware, dapat alam mong idol na idol ng nililigawan mo si Ai-Ai, so wag na magatubili pa, kahit korni para sayo, yayain mo sya manood ng Ang Tanging Ina Nyong Lahat. Dapat alam mo rin kung gusto na nya umuwi, magstroll pa, kumain, magTimezone, bunutin ung kilay mo, tuklapin ung whiteheads mo sa ilong o kaya kurutin kili-kili mo. Mahirap, pero as much as possible, gawin mo ung ikasasaya nya (pero syempre may limits, bahala ka na umisip kung ano ung limits)

Yun lang. Sa totoo lang, kung ayaw naman sayo ng babae, kahit anong pilit wala ka magagawa kundi maglaslas (joke lang. wag ka magpakamatay. Hellow. T_T Gayahin mo si Doc Hayden. EWWWYY!!!) Pag ayaw sayo, wag mo na kulitin; someday marerealize din nya na sya ang nawalan (yun e kung magaaral ka. Tapos magiging saksespul ka, tapos mabait ka and all. Pero, kung mananatili kang tambay, malake tiyan, lasenggero, walang pinag-aralan, malamang magbunyi pa yun sa right decision nya.

Tuesday, January 6, 2009

SERYENG EMO: Tomo 1, Blg. 1: Mga Praktikal na Tips sa Pagpili ng Jowa (para sa mga babae to)

Dahil sa nabubuang na ako sa pagsulat ng tisis kong walang kawawaan, pagbigyan n’yo na ko; magpapaka Joe D’ Mango muna ako sa mga blogs na ipapaskil ko…


Kanina, dahil wala pang klase sa Lasalle, ay buong maghapon akong tumambay sa PNU. Plano ko talagang mag-research at ituloy ang pagsulat ng atras-abante kong tisis, e kaso ewan ko ba…

Anyway, may napala naman ako maghapon (kahit papano). Bandang 2:30 ng hapon ng mapagtanto kong kelangan ko na talaga magpunta sa Library at maghagilap ng mga references. May katagalan na rin siguro akong di nakakaakyat sa 3rd floor, nagrigodon na pala ang maalikabok na mga bookshelves doon. In fairness, maalikabok pa rin sila.

Napansin kong as usual, mas maraming tambay sa meatshop sa harap ng CED at sa catwalk sa harap ng Luncheonette. Maluwag na maluwag ang Library, parang EDSA pag may laban si Pacquiao.

Pero in fairness, may nakita naman akong dati kong mga studyante. Partikular ang itatago natin sa pangalang Lara Croft. Nagdodrowing s’ya ng abutan ko, pero maya maya ay nagbasa na din. Nagkamustahan kame saglit, tinanong ko kung bat s’ya nag-iisa. Nalungkot ako sa sagot n’ya, “Ayaw nila dito sa Lib e.”

So ano ngayon ang relevance neto sa EMOLASLAS BLOG SERIES ko?

Simple lang. Mga girls, kung ako sa inyo, (lalo na kung studyante ka) bastedin ang mga lalakeng ayaw maglibrary—syempre literally at figuratively ito—(mga lalake, wag ligawan ang babaeng hindi nag-aaral o talagang ayaw lang mag-aral, korni yan kausap believe me)

O teka, wag kang reaksyunaryo. Ito naman e based on experience lang. Kung ayaw mo maniwala, e tigilan mo na ang pagbabasa neto.

Madalas mapagkwentuhan namen ni Kay ang bagay na ito. Napagtanto lang namen na malaki ang posibilidad na boring, walang kwenta, at korni kausap/kasama ang jowa na di nagbabasa o kaya di nag-aaral. Baket kamo? E ano’ng paguusapan n’yo kung wala namang laman ang kukote n’ya?

Eto ang mga posibleng topics n’yo:

1. Yung lamay kagabi. Klasmeyt nya nung grade 1. Nasaksak ng icepick

2. Yung ex-jowa nya na nagJapan dahil gusto iahon ang pamilya sa kahirapan (malamang iparamdam pa nya sayong magJapan ka na rin)

3. Yung snatcher sa Quiapo na nabilhan nya ng N95 for only P1,500 (at iinggitin ka pa n’yan)

4. Yung pinakaunforgettable moment sa karir n’ya bilang player sa liga pag summer. (nakagawa sya ng 2 points, pero ipagtatanggol ang sarili, “Ako naman halos ang gumawa ng rebounds. Grabe pagod na pagod ako tumalon!” Ang magandang sagot d’yan ay: “Try mo maging Kangaroo”)

5. Kung gaano kalaki na ang improvement sa biceps at triceps n’ya. Ok sana kung kasabay ng paglaki ng muscles e ung utak nya, o kaya kahit ung bank account lang sana pede na. Pero kung muscles lang tlaga, ampaw pa rin.

Pero kung sa tingin mo naman e “cool” ang mga topic na nasa itaas (lalo na pag “love” mo naman ang kausap mo) e kalimutan mo na lahat ng sinabi ko.

Thursday, January 1, 2009

Matsing ka ba?

Lingid sa kaalaman ng nakararami—marahil dahil sa aking buhok at porma—ay isa akong Born Again; at oo, bagamat isa akong makasalanan at madalas ay pilyong nilalang, ipinagmamalaki kong ako’y anak ng Diyos.

Bago lisanin ang taong 2008, nagkaroon ako ng pagkakataong dumalo sa isang retreat sa Naic, Cavite. Dito maraming bagay ang aking napagtanto. Kung susubukin kong ilista dito ang lahat ng aral na aking napagbulay-bulayan sa tatlong araw na retreat na iyon, baka libro ang maisulat ko. Pero dahil akmang-akma sa pagpapalit ng taon, hayaan n’yong ibahagi ko sa inyo ang ilustrasyon ng matsing.

***

Minsan ba’y naisip mo kung paanong hinuhuli ang matsing? Ang ibon ay kadalasang binabaril, ang isda ay kinakawil, pero ang matsing? Pano nga kaya?

Napakadali lamang naman pala.

Ang dapat lang palang gawin ay gumamit ng buko bilang pain. Ang nasabing buko ay tatapyasin (gaya ng pagtapyas na ginagawa ng tindero ng buko o kaya naman pag umorder ka ng buko juice sa restoran). Pagkatapos nito ay lalagyan ng anumang bagay na pahaba sa loob na maaaring bumara sa butas pag kinuha ito.

Syempre, ang mga taong gaya natin ay maiisip na itagilid o itayo ang bagay upang mabunot ito sa loob, pero ang matsing, hinde. Ipapasok ng matsing ang kanyang kamay sa loob ng buko; hahawakan ito ng mahigpit na mahigpit; aangkinin nya ang bagay na iyon (kahit di naman n’ya alam kung ano ba tlaga iyon). Tapos ay pilit nya itong bubunutin mula sa buko. Syempre, dahil hawak nya ito ng mahigpit, babara ito sa maliit na butas ng buko.

Dito na s’ya sisimulang habulin ng mangangaso; at oo, kahit na may nakaambang panganib ay ‘di n’ya bibitiwan ang bagay na iyon. Isasama n’ya ang buko sa kanyang pagtakbo; at dahil mabigat ito, babagal ang pagtakbo n’ya at madaling madarakip.

***

Napakasimple lang naman ng aral na itinuro sa atin ng ugaling matsing. Babagal ang byahe mo kung marami kang dala. Madarakip ka ng kaaway kung di ka magbabawas ng karga. Gayon din sa ating buhay. Hindi ba’t lalo tayong bumabagal; lalo tayong nababalisa sa dami ng mga iniisip natin? Syempre, bilang tao, hindi mo naman talaga maaalis ang mga problemang dumarating sa buhay mo. Pero subukin mong bitiwan ang mga bitbit mo at ipagkatiwala sa Diyos, at tiyak na makakaramdam ka ng pagkakuntento. Kung ang Krus nga binitbit ni Kristo para sa’yo, yan pa kayang simpleng problema na yan?

Oo. Kung iniisip mong madali itong sabihin pero mahirap gawin, tama ka, tao tayo e. Ako man ay maraming problema; ako man ay may dalang mabigat; ako man ay may malaking utang. At hindi ko naman sinasabing nagawa ko na ito; hindi ko sinasabing matibay ako sa lahat ng pagkakataon. Pero kung ating itutuon ang ating paningin sa Diyos, kung ating ipagkakatiwala sa kanya ang lahat, pihadong mararamdaman mo kung gaano kakomporableng tumakbo, mag-aral, magtrabaho, at mamuhay sa “malupit na mundo”.
***

Ngayon, saliksikin ang sarili.

Matsing ka nga ba?

Monday, December 29, 2008

Thanksgiving

This Christmas is indeed very different from the past two Christmases that I had since I graduated from college. Indeed, this is the “thinnest” in terms of finances, since I work as a part time faculty, and I didn’t have the usual Christmas bonuses and gifts that I had two Christmases ago. More unfortunate is the fact that I wasn’t able to get my December salary from PNU. What a pity. O well, if it means “serving the Filipino people” then I’d be glad—but let’s face it, it’s just the pathetic system.

So much for the bitterness. As I have mentioned, this Christmas is indeed very much different from the last two…It’s happier and more bountiful—in terms of blessings. It’ll take me a lot of time to list them down one by one, but allow me to enumerate some of them (skip boring parts, if you wish to)

1. This year was a phenomenal year for me. “Phenomenal” because once again, I was able to prove to the world and to myself that I can break barriers; that I can free myself from the prison walls. Indeed, I was able to unravel the bigger (and real) world of an educator, in a real school, in a real university
2. Despite living alone, God has been a provider and protector. Through out my stay in my “flat” (I prefer calling it cave) God never left me and I was able to survive. There would be days that I would be financially down (particularly because the salary in PNU is 10 days delayed on the average) but in the brink of hunger, God would always be there to send what I need. I look forward to another year—though I really pray that I can move to a better place, one with my own CR. Hehe
3. I was able to adapt to my new environments. Well, even if I’m a PNU alumnus, I still had a lot of adjustments—from student to faculty. In the case of La Salle, I didn’t have that much of a problem. The people are friendly, although of course there are some who are not so warm. But as Kay would always tell me, “keri lang”.
4. The SK praise and worship team’s fund raising concert was a blast! It’s not something new. We prepare concerts almost every year, but this year’s concert was a blast because we were the ones responsible from planning to arranging to marketing. I also felt that we have somehow elevated our skills in playing the instruments, singing new songs, and using these God-given talents to praise Jesus.
5. Healthy family. Another year has passed, and God has been very kind to our family. Nobody got seriously sick (although old age begins to manifest to my parents) Kay would observe that our lifestyle has evolved. Yeah, even if we weren’t richer than before, I think we weren’t as hungry as before as well. Nevertheless, a healthy body is more than enough to be thankful about.

Whether we feel blessed or depressed, this season is something to be thankful about, since it reminds us of one great love that God has offered to us. I am not perfect, nor am I holy, but I wish everyone a very Merry Christmas and a Happy New year. God Bless us all. =)

Saturday, December 6, 2008

Why the Thais can…

Contrary to what Deputy Presidential Spokesperson Anthony Golez thinks of Thais, I think they are more politically “mature” than us. Amazingly, within a matter of two years (or so) they were able to topple two corrupt and questionable prime ministers (Thaksin Shinawatra and Somchai Wongsawat).

I can’t help but envy the power of democracy in their country. Yeah, some may think negatively about the “rash” actions of Thai protesters, but isn’t that what democracy is all about? (Although this is sometimes taken into different levels; to some extent, negatively.)

I can’t help but ask, “Why on earth can they do it twice in such a short period of time? Why can’t we? Why in the world is the impeachment case always blocked in the lower house?”

Oh well, probably the Thais never stopped to embrace democracy (is it probably because this country has been in the hands of monarchs for the longest time?) while Filipinos (I assume) have grown tired of it.

Whenever people discuss about political issues (particularly on the streets, in barber shops, in tapsilogans, etc.) I would usually hear, “E wala namang nagbabago e [nothing has changed]”

Indeed, Filipinos have become apathetic over political issues in the country. This, I think, is the most prevalent reason why we can’t unseat the illegitimate and corrupt president (yeah, more than Thaksin and Somchai) who clings tightly in MalacaƱang.

Monday, December 1, 2008

In support of Ms. Mercado

Don’t get me wrong. I’m not going to merely spread my comments and [violent] reactions towards the Jennilyn Mercado-Patrick Garcia issue.

I’m not usually a “showbiz” person (and my students, friends, and family know this for a fact) But allow me to express my deep vexation towards Patrick Garcia and his coward acts.

First of all, I would like to express my support towards the decisions made by Ms. Mercado to move to America and have her child be far away from the guy who claims to be the child’s “father.” Secondly, I would like to express my awe to Mr. Garcia (the nerve)

Pro-life and pro-family people would strongly disagree with my arguments. They would say that it’s the child’s right to be in contact and know his/her parents. Moreover, they would say that for the sake of the child’s welfare, the parents should be given the rights to spend time with the child.

However, with the poorly-made decisions and alibis made by Mr. Garcia that led to the current situation, I believe that the decision of Ms. Mercado to raise the child by herself far outweigh the benefits of having the child be in contact with a coward and pretentious father—who is very much prone to repeat the same abandonment in the future.

Didn’t Mr. Garcia turn his face around and left Ms Mercado with the entire burden during pregnancy up to delivery? This, I believe, is more than enough ground to say that Mr. Garcia should not be given any privilege to be with Ms. Mercado’s child. The only contribution Mr. Garcia gave to Ms. Mercado is his sperm; no more no less.

Dereliction of responsibilities as father is a crime (or the root of a crime, at least).

Moreover, didn’t he accuse Ms. Mercado of having sexual relationships with another guy (in the persona of Mr. Mark Herras), and that he argues that the child isn’t his? Why is it that recently, he claims the child as his? Such a lame excuse adds up to the causes why this guy shouldn’t be given legal rights to be with Ms. Mercado’s child.

I can’t help but wonder, what really is the goal of Mr. Garcia? Is he probably trying to gain publicity, so as to revive his lost career? Is he trying to show “at least I tried” to the public?

(NOTE: The information regarding this issue are gathered from news items. The veracity of the facts may be questionable as we don’t really know their personal lives. At the end of the day, this blog addresses young couples in general—ahem** I hope I won’t eat my words in the future…)